Kumapit ka sa patalim
hanggang ika’y masaktan,
masugatan.
Huwag kang bibitiw
hanggang ang sakit ay
unti-unting makasanayan,
maibsan,
hanggang sa tuluyang mawala.
Ganyan talaga ang buhay,
masasaktan ka,
magdudusa ka,
para ika’y magdala’t matuto.
Pero kahit anong mangyari,
kumapit ka lang ng mahigpit.
Tandaan mo,
makakaraos ka rin.

No comments:
Post a Comment