Totoo nga siguro ang sabi nila na, "Time flies when you're having fun."
Kung iisipin ko kasi, tatlong taon na ang lumipas simula noong bumalik ako sa trabahong ito. 2017 nung pinili ko ulit maging isang ninja producer, among other things. Kung susumahin ko naman, halos siyam na taon rin ang itinagal ko sa industriyang ito. At aaminin ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na tumagal ako sa trabaho na ito; a career that I built from scratch.
Nakakaloka lang, diba?
Nagsimula ako bilang isang EA na naging PA, na naging Researcher, na naging Production Manager, hanggang sa naging (docu) Producer ako, at ngayon isang makulit na Supervising Producer. Totoo nga siguro ang sabi nila na 'fake it till you make it,' kasi kahit hindi ako comms major or filmmaker, eh may mga taong naniwala sa kakayahan ng utak at pagkatao ko. Akalain mong binigyan nila ako ng oportunidad na magtrabaho at matuto.
Kung anu-anong istorya na ang hinanap at pinaglaban ko para ma-pitch. Kung saan-saan na ako nakarating para mang-interview at mag-shoot: mapa-bundok, landfill, pati sa loob ng masikip na kulungan. quota na rin ako sa pag-tumbling, pag-iyak at pagpupuyat. na-break ko na ang personal record ko na walang tulugan ng halos 32-hours dahil sa deadlines.

On that note, isang mahalagang paalala para sa mga bagets: HUWAG. AKONG. GAYAHIN. MATULOG KAYO! UTANG NA LOOB!!
Sa ngayon, medyo nagagamay ko na ang ibang aspeto ng trabaho ko. Uso sa amin ang colloboration, lalo na pagdating sa concept creation, pitching at pagsusulat. Masasabi ko na nakakapag-practice na ako ng maayos lalo na pagsusulat ng script at paggawa ng mga pitch deck. Nitong taon na ito, naging co-writer ako ng scripts para sa sex-comedy series na ginawa namin. At medyo quota na rin ako (at ang aking maliit na ulo at brain cells!!) sa mga concepts na na-pitch namin sa iba't-ibang mga kliyente namin.
And I won't lie, I think I've earned the right to na maging proud sa mga pinag-gagagawa kong pagpupuyat, pag-iyak (na mala-South China Sea sa lawak at gulo!), at paglaban sa mga ideya at istorya na sa tingin kong worth it.
But I have to be honest, hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal sa trabahong ito. Aware din naman ako na mas maraming magaling sa akin. Kung makikilala mo ako sa personal, medyo papasa pa akong fresh grad o intern... dahil sa boses kong tunog Pikachu at sa height kong pang-elementary. #youcanthaveitall daw kasi bes!
Pero ok, jokes aside, tulad nga ng sabi ko maraming mas bata sa akin na may experience, mas matindi ang hustling skills, at updated ang skills set in terms of selling and slaving themselves in this industry. And ok, aaminin ko rin na dumating na ako sa punto na kinukwestyon ko na rin ang sarili ko:
Kaya pa ba? Masaya ka pa ba? Relevant ka pa rin ba?
Kapag sumasagi sa isip ko ang mga tanong na ito, gusto ko siyang tawagin bilang existential crisis - kung anong mang crisis ang pinagdadaanan ng tao - kapag nag-trenta na siya. O baka in-denial lang ako? Hay! ewan ko na. Siguro kapag dumating na yung oras na yun; na wala na! finish na! give up na si ate girl!
Cue in bow sabay exit sa kanan.
On a sweeter note, grateful naman ako sa trabahong ito. Kahit ilang beses kong siyang iniwan, because reasons, eh binabalik-balikan ko pa rin siya. Kung hindi dahil sa trabahong 'to, hindi ko makilala ng mas mabuti ang sarili ko; yung good side, yung bad side. Idamay mo na si crazy-in-between dahil dito ko na-realize na may silbi pala ang pagiging weird do. Akalain mo yun?
At para naman sa iba sa inyo, habang nandito pa ako eh mulhang wala tayong lahat choice... kung hindi pagtiisan ako. Kidding! Seriously though, huwag kayo mag-alala. Masaya at profesisonal akong katrabaho. That I can definitely assure you.
Kung hindi ka pa rin convinced, eh di ililibre kita ng kape tapos mag-usap tayo. G?


No comments:
Post a Comment